Isang taon na rin akong hindi nakakabisita sa Comm Dept. Madalas na ang takbo ng LRT mula Santolan (di tulad ng dati) kaya maaga akong nakarating. Kung tutuusin, pwede naman akong maglakad mula sa LRT station. Pero naisip ko, maalikabok at baka hanapan pa ako ng guard ng ID. Naunahan ako ng dalawang ale sa upuan ng tricycle. Baby seat o likod ng driver? Likod ng driver it is. "M'am, hawak ho kayo," ang sabi ng driver. Bakit, akala ba niya tatalsik ako agad sa kalye? I'm made of stronger stuff naman!
Binaba niya ako sa kanto ng kalye papuntang dept. Nakaharang kami sa likuan kaya binusinahan pa kami ng kotse. There goes my pride.
Pag-upo ko sa sofa, katapat ko ang mga pigeonhole ng faculty. May isa pang bakante. Hmmm.
Nginingitian ko si MT tuwing dumadaan siya. Naaalala kaya niya ako? Pwede kong sabihin na pinaarte namin siya sa short film namin. Teacher siya dun. Nahuli niyang nangongopya si Joey kay Dave. I love that shot.
Nakita ako ni Sir Sev. Mga ilang segundo siguro bago nag-register sa kanya kung paano niya ako kilala. Buti naman si Mang Manny, naaalala pa ako kahit sa malayo.
After sitting in for the first third of Jason's class with Jon guest lecturing, I had a chat with my former thesis advisor about research. I felt like a senior again. The feeling wore off quickly after walking through the caf all the way across the overpass. Geez, ang tanda ko na.
The way I feel about the place has changed. The place itself has changed. Pati ako. Noon, akala ko mahaba na ang Katipunan. Pero ngayon, wala lang yun kung ikukumpara sa Strøget hanggang Hovedbanegården, Monument hanggang Houses of Parliament. Habang naglalakad, inaalok ako ng trike. Pero hindi ko na kailangan. Lalakarin ko na lang mula Jollibee hanggang kanto.
No comments:
Post a Comment